Paghirang ng OIC sa ARMM pinalagan

PINALAGAN ni dating Senate Minority Leader Nene Pimentel Jr., ang naging desisyon ng Korte Suprema na humirang ng Officer-in-Charge (OIC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Pimentel, naghain sila ng Motion for Reconsideration (MR) sa loob ng 15 araw para iapela ang desisyon ng Korte Suprema sa postponement ng ARMM Elections.

Dagdag pa ni Pimentel Jr., mas maganda kung ipagpatuloy ng mga nakaupong opisyal na halal ng bayan ang kanilang termino sa halip na palitan ng mga hihiranging OIC.

Samantala, umaasa si Pimentel na mababago pa ang desisyon ng SC sakaling maipaliwanag ng husto sa mga mahistrado ang kahalagahan ng halalan sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply