Pagkakaisa ng Pinoy susi sa pagkakasama ng PPUR sa New7Wonders of Nature

NAPATUNAYAN na pagkakaisa ng lahat ng Filipino ang siyang nagpanalo sa Puerto Princesa Underground River bilang isa New7Wonders of Nature sa pamamagitan ng text at online voting, ayon kay Sen. Pia Cayetano.

“This proves how we as a people could unite and harness our online and texting power to rally behind one cause,” ayon kay Cayetano.

Sa kanyang pagpuri sa bawat Filipino na bomoto sa PPUR bilang isa sa New7Wonders of Nature, hiniling din ni Cayetano na magpatuloy sa pagdarasal upang tuluyan nang maging pinal ang pagpili sa PPUR.

“Let’s hope and pray that that the PPUR makes it to the final list of winners when all the votes have been verified. May this initial victory not only instill national pride in us, but also awareness and genuine concern to conserve our rich natural resources,” giit pa ng senador.

“I congratulate everyone who voted, campaigned and kept vigil in the last three years to boost and sustain the bid of our very own Puerto Princesa Underground River to make it as one of the New7Wonders of Nature,” dagdag ni  Cayetano.

Nitong Sabado, ipinahayag ni Bernard Weber sa Zurich, ang pagkapanalo ng Puerto Princesa Underground River kabilang ang Amazon rainforest, Halong Bay ng Vietnam, Iguazu Fall sa Argentina, Jeju Island sa South Korea, Komodo sa Indonesia at Table Mountain sa South Africa.

“The PPUR’s inclusion in the provisional list of winners affirms the Philippines’ reputation as a world-class eco-tourism destination by virtue of our rich biodiversity, breathtaking natural wonders and friendly people,” ayon kay Cayetano.

Malaki din ang paniniwala ni Cayetano na “no mean feat” ang PPUR na magiging pinal na nagwagi sa kumpetisyon dahil napili ang ating bansa mula sa mahigit 400 entries mula sa 2000 nasyon nang magsimula ang botohan noong 2007.

Kaya’t hinikayat ni Cayetano ang lahat ng Pinoy na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa iba’t ibang eco-tourism sites sa buong mundo sa pamamagitan ng internet at social networking sites.

“Filipinos have access to the world through various forms of social media. Let us use our strength in this area to continue to promote the beautiful destinations in our country,” patapos ni Cayetano. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply