Pagkamatay ni Umbra Kato, tsismis lang – MILF

ITINANGGI ni Abu Misri Mama, ang spokesman ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang report na patay na ang lider na si Ustadz Ameril Umbra Kato, dating kumander ng 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Mama, tsismis lamang ang nasabing report at walang katotohanan dahil hanggang sa ngayon nananatiling buhay si Kato.

Inihayag pa ni Mama na nagtataka sila kung saan nagmula ang nasabing report at hinamon pa ang nagpakalat nito na magpalabas ng mga litrato ni Kato na wala nang buhay.

Ipinaliwanag pa ni Mama na nakaranas lamang ng panghihina si Kato nang bumisita sa Camp Alfaro, subalit nakauwi ng maayos at naipagamot sa doktor.

Sa ngayon, nasa mabuting kondisyon si Kato subalit hindi inihayag ni Mama kung saan ito nagtatago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply