Pagkasama ng NAIA sa ‘most hated airport’ dinepensahan

DINEPENSAHAN ngayon ng mga kongresista ang pagkaka-pwesto ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa “Top 5 Most Hated Airport” sa buong mundo.

Ito ay dulot na rin ng mga negatibong komento ng mga dayuhang nagpupunta at bumibisita sa Pilipinas.

Paliwanag ni Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan, na hindi naman pinakamalala na maituturing ang NAIA para ayawan kundi hindi lamang siya kanais-nais kumpara sa mga makabagong airport sa ibang mga mauunlad na bansa.

Dagdag pa dito ni Ilagan, dapat ng maalarma ang gobyerno sa ganitong pagtingin ng mga turista dahil ang airport ang una at huling nakikita ng mga dayuhan na sumasalamin sa Pilipinas.

Sinabi naman ni AKO BICOL Partylist  Rep. Rodel Batocabe, na kahit hindi naman ganoon ka-moderno ang NAIA ay maganda ang naging pamamalakad dito ni General Manager Angel Honrado lalo na pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan.

Sa halip na balewalain ay dapat pa nga aniyang aksyunan na ng pamahalaan ang pagpapa-ayos sa NAIA Terminal 1.

Giit pa ni Batocabe na medyo may kalumaan na rin aniya ang paliparan bukod pa sa ito ay masikip at may kaingayan kumpara sa mga paliparan sa mga mauunlad na bansa sa Asya.

Para naman kay Akbayan Rep. Walden Bello, dapat ay magsilbing isang hamon sa gobyerno ang mga negatibong komento upang mapaunlad ang pasilidad nito.

Sinabi naman ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na hindi dapat gawing negatibo bagama’t isa itong postibong kritisismo para lalo pang magsumikap ang pamahalaan na mapaganda ang pagtanggap at pagtingin ng mga dayuhan sa atin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply