Paglayas ni Ramona sign of guilt – Sen. Bong

NAKAKAPANGINIG ng laman!

Ito ang galit na sinabi ni Senator Ramon “Bong” Revilla na sign of guilt ang ginawa ng kanyang kapatid sa ama na si Ramona Bautista na lumayas pa-Hong Kong kaninang alas-8 ng gabi.

Nauna nang nakumpirma na si Ramona ay sakay ng Cathay Pacific at dumating sa Hong Kong ng alas-10 ng gabi kanina.

Sa panayam sa senador, sinabi nitong sa ginawa ni Ramona, maging ang kanilang pamilya ay nagdududa na rin na maaariing may kinalaman nga sa krimen ang half-sister.

Una nang itinurong suspek sa pamamaslang kay Ramgen Revilla ang mga kapatid na sina Ramon Joseph Bautista at Ramona.

Bago ang paglayas ni Ramona, personal itong kumontak sa ANC upang amining nagsinungaling siya sa pulisya sa pagsasabing dinukot siya ng mga suspek nang maganap ang krimen.

Nagawa niya aniya ang nasabing testimonya dahil sa takot at wala na siya sa kanyang sarili.

Aminado naman ni Sen. Revilla na galit sa kanya ang ina ng mga suspek na si Gennilyn nang kanyang i-turn over sa pulisya si RJ.

“Ako ay senador ng bayan, hindi natin mato-tolerate ang ganitong gawain. Ang pag-alis ni Ramona ay sign of guilt. Kung talagang wala siyang kasalanan, harapin niya ang kasong isinampa sa kanya.”

Samantala, aminado naman ang awtoridad na wala silang nagawa sa pag-alis ni Ramona dahil wala namang hold departure order laban dito, kahit isa siya sa itinurong suspek sa pamamaslang sa sariling kapatid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply