Paglilinaw ni Mr. Bong Osorio: Nora Aunor di inisnab ni Charo Santos sa Ad Congress

HATAW, na naman ang mga gustong mang-intriga kina ABS-CBN President Ma’am Charo Santos-Concio at Nora Aunor.

Sabi, sa katatapos lang na 22nd Ad Congress na ginanap sa kilalang Club House sa Pili, Camarines Sur sa Bicol, natakot daw si Ate Guy rito kay Ma’am Charo dahil inisnab siya nang makita siya nito sa nasabing event.

“It’s not true! Walang isnaban na nangyari sa kanila,” maikling statement pa ng Head ng ABS-CBN Corporate Communications na si Sir Bong Osorio nang amin itong makausap sa cellphone kamakailan bilang pagkaklaro na rin sa mga intrigang nasulat sa pagitan nga nila Ma’am Charo at ng Superstar.

Heto, may bagong issue na naman na sa katatapos lang na 25th Star Awards for Television held at the Resorts World in Pasay City. Tanging sina Ma’am Charo at Ma’am Cory Vidanes lang daw ang hindi tumayo sa kinauupuan nila sa front row nang bigyan ng standing ovation si Ate Guy ng parangalan siya para sa kanyang longest-running Musical Variety Show noon sa RPN 9 na Superstar kung saan nakasama nito si Kuya Germs. Baka naman nag-over react lang ‘yung mga nakakita sa pangyayari at hindi lang naman ang dalawang top executives ng ABS-CBN ang hindi tumayo. Saka, walang dapat ipaliwanang pa si Ma’am Charo dahil wala siyang kasalanan o atraso kay Nora Aunor kundi nakatulong pa nga sa naghihingalo noong career ng Superstar.

Loud and clear gyud!

***

The Buzz, tinanghal na Best Showbiz-Oriented Program ng 25Th PMPC Star Awards

SA KATATAPOS lang na ginanap na 25th PMPC Star Awards for Television ay muli na namang nagwagi ang The Buzz bilang Best Showbiz-Oriented Program. Isa lang ang ibig sabihin nito, angat talaga ang showbiz-oriented program ng Dos compared sa ibang mga showbiz talk shows riyan.

Naman! Sa mga outfits pa lang ng mga hosts rito na pinangungunahan ng ating King of Talk na si Kuya Boy Abunda, KC Concepcion, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales ay kabog na ang ibang talk show hosts riyan. Kung laman naman ng show ang pag-uusapan, punung-puno sila at ayaw paawat ang mga pasabog nilang issue na kinasasangkutan ng malalaking stars.

Tulad bukas (Nobyembre 27), marami na namang bagong rebelasyon na mapanonood at exclusive interviews at isa sa kanilang live guest ay ang star ng “Won’t Last A Day Without You,” na si Sarah Geronimo at baka samahan pa siya ng leading-man niya rito na si Gerald Anderson na nag-guest na last Sunday sa nasabing number one showbiz talk show sa national ratings.

Congratulations nga pala kay Kuya Boy dahil ang pamosong TV host/Philanthropist ay ginawaran na ng hall of fame award ng PMPC Star Awards para sa 15 times nitong pagkapanalo o paghirang sa kanya bilang Best Male Showbiz-Oriented Show Host. Tinanghal rin ang Bottomline with Boy Abunda bilang Best Public Affairs Program.

Winner na winner gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply