Pagnenegosyo sa Pinas padadaliin ng DTI

NANGAKO ngayon si Trade Secretary Gregory Domingo na gagawa sila ng paraan upang mapadali at mapaayos ang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Aniya, malaking kahihiyan sa Department of Trade and Industry (DTI) ang resulta ng pag-aaral ng World Bank na may pamagat na “Ease Of Doing Business” kung saan lumabas na pang-apat ang Pilipinas sa “World’s Top Ten Worst Countries for Business.”

Ani Domingo, kabilang sa inaayos nila ay ang business permit licensing system.

Nakikipagtulungan na umano sa kanila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local government unit (LGU) para mapabilis ang pagpoproseso ng mga business permit.

Ikinakasa na umano nila ang Philippine Business Registry kung saan makukuha na ng negosyante ang kanilang business name, TIN, Social Security System (SSS), PAG-IBIG, at PhilHealth registration sa loob lamang ng 30 minuto.

Inamin ni Domingo na nagkakaproblema sila sa koneksyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) dahil hindi pa sila fully computerized o automated.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply