Pag-alis ni GMA abroad kayang pigilan ni PNoy

PWEDENG pigilan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pag-alis ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para makapagpagamot sa ibang bansa, ito ang pahayag ni dating Solicitor General Frank Chavez.

Ani Chavez, may limitasyon ang karapatan ng tao na makapagbiyahe lalo na kung sangkot ang seguridad ng bansa at publiko.

Aniya, pinanigan noon ng Korte Suprema si dating Pangulong Corazon Aquino nang pigilin nito ang pagbalik sa bansa ng napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi rin ng dating solicitor general sa Department of Justice (DOJ) na aksyunan agad ang mga kasong plunder ni Mrs. Arroyo upang maisampa na ito sa korte.

Ito umano ang paraan para mawala na sa kamay ng ehekutibo ang pagpapasya kung dapat bang payagan si Arroyo na makalabas ng bansa para magpagamot.

Aniya, korte ang dapat magdesisyon sa kaso ni Mrs. Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply