Pagpapagamot ni GMA sa abroad depende na kay PNoy

NAKADEPENDE na kay Pangulong Benigno Aquino III kung papayagan niyang magpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, bagama’t si Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima ang naatasang mag-review sa hiling ni Arroyo, ang pangulo pa rin aniya ang may pinal na desisyon.

Nanawagan naman ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pamahalaan na payagan nang makapagpagamot si Arroyo.

Ayon kay NPC Spokesman Rex Gatchalian, buhay ni Arroyo ang nakataya at hindi na lamang simpleng political o legal issue.

Kinontra naman ito ni AKBAYAN Partylist Representative Kaka Bag-ao at hinamon pa si Arroyo na harapin ang kanyang mga kaso at huwag magtago sa kanyang sakit.

Ayon naman kay NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo “Jun” Lozada, duda siyang babalik pa si Arroyo, sakaling payagang magpagamot sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply