Pagpapagamot ni GMA sa abroad ok sa 2 kritikong obispo

PABOR ang dalawang kritikong obispo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magpagamot ito sa ibang bansa.

Gayunamn, nilinaw nina Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na kung papayagang makapagpagamot sa ibang bansa si Arroyo ay dapat na may garantiya na babalik pa ito ng Pilipinas.

“Arroyo should be allowed, if the treatment is available only abroad and there’s guarantee of her return,” pahayag ni Iñiguez, chairman ng Episcopal Committee on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi naman ni Archbishop Cruz, na may karapatang makabiyahe at makapagpagamot sa ibang bansa ang dating Pangulo.

Kung hindi naman aniya makabalik ng bansa si Arroyo matapos ang kanyang biyahe ay nangangahulogan lamang na “guilty” ito sa kinakaharap niyang mga kaso.

“If she does not come back, then her flight is a sign of guilt,” ayon kay Cruz.

Ito ang reaksyon ng mga obispo sa naunang pahayag ng Department of Justice (DOJ) na wala silang nakikitang agarang pangangailangan para sa ibang bansa pa magpagamot si Arroyo dahil sa kaniyang karamdaman sa buto.

Iginiit naman ni Cruz na dapat na maging maingat ang DOJ sa pagpapalabas ng desisyon laban sa dating Pangulo.

Binigyang-diin ng arsobispo na sakaling maging ‘fatal’ ang karamdaman ni Arroyo ay tiyak na si Justice Secretary Leila de Lima ang masisisi dito at magiging martir pa ang dating Pangulo.

“…Because if her sickness becomes fatal, then De Lima gets all the blame and Arroyo becomes some kind of a martyr,” pahayag ni Cruz.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply