Pagpapalit sa pangalan ng Edsa kinontra

KINONTRA ng isang kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at militanteng mambabatas ang panukalang palitan ang pangalan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) ng Corazon Aquino Avenue.

Tahasang sinabi ni Bayan Muna Rep. oTeddy Casiñ, pangunahing may-akda sa Anti-EPAL bill, magkakaroon ng malaking pagtutol gayundin ng epekto kapag pinalitan ng pangalan ni dating Pangulong Cory Aquino ang Edsa.

Ani Casiño, historically problematic na palitan ang Edsa dahil hindi aniya makakalimutan ng buong mundo ang naganap na pag-aalsa sa nasabing kalsada.

Ipinaliwanag rin ni Casiño na ang naganap na People Power Edsa Revolution I ay hindi tungkol kay dating Pangulong Cory Aquino kundi sa mga taong nakibaka laban sa paniniil ng mga dating lider ng bansa.

Ang paggamit aniya ng pangalan ng dating Pangulo para ipalit sa Edsa ay mahigpit na ipinagbabawal dahil ang saklaw ng pangulo ay pambansa.

Bago ito, naghain ng House Bill 5422 Bohol Rep. Rene Relampagos na ipangalan na ang Edsa kay dating Pangulong Cory Aquino bilang pagkilala dito at bilang kauna-unahang babaeng presidente ng bansa at isa sa pangunahing personalidad sa naganap na 1986 Edsa Revolution.

Nakapaloob sa panukala ang pagbasura sa Republic Act 2140 na siyang naging daan para pangalanan ito ng Epifanio delos Santos o Edsa noong 1959.

Ang Edsa na mas kilala noon bilang Highway 54, na may habang 24 kilometro, ay isa sa pinaka-busy na kalsada sa Metro Manila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply