Pagpapasara sa dalawang kurso sa PMI, tuloy na

TULOY ang pagpapasara ng Commission on Higher Education (CHED) sa dalawang kurso ng Philippine Maritime Institute (PMI), matapos ibasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang hirit ng paaralan na temporary restraining order (TRO).

Hindi kinatigan ni Judge Aurora Hernandez-Calledo ang hirit ng PMI na makasasama sa kanilang mga estudyante ang pagpapasara sa kanilang mga kursong BS Marine Transportation at BS Marine Engineering.

Sinabi ng korte na ang PMI ang nagkaroon ng pagkukulang kaya ipinasasara ng CHED ang mga naturang kurso.

Tiniyak naman ni CHED Executive Director Julito Vitriolo na nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang maritime school para sa maayos na paglilipat ng mga estudyanteng apektado ng pagpapasara sa dalawang kurso.

Matatandaang ipinasara ng CHED ang dalawang kurso ng PMI dahil nabigo umano ang paaralan na mapanatili ang standards nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply