Pagpapatawag ng SC sa doktor ni GMA iginiit

NARARAPAT lamang na ipatawag ng Korte Suprema ang mga doktor ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para magpaliwanang sa tunay na kondisyon nito.

Ito ang iginiit ngayon ng Office of the Solicitor General matapos na maghain ng oposisyon ang depensa ni GMA.

Nauna nang hiniling ng gobyerno na iharap sa isasagawang oral argument ngayon ang mga doktor ng dating Pangulo upang mailahad ang totoong kondisyon nito.

Sa 6 na pahinang opposition sa inihaing mosyon ng Department of Justice, sinabi ng kampo ni Ginang Arroyo na ang pagtetestify ng kanyang mga doktor ay hindi kailangan sa usaping tinatalakay ngayon sa SC.

Ayon kay Ginang Arroyo, nagsisimula na niyang maramdaman na nahaharas ang kanyang mga doktor at mayroon nang “reservation” na tumugon sa kalagayan nito dahil maging sila ay naiipit sa kanyang kaso.

Gayunman, sinabi ng Solgen na kailangan pa ring humarap ang mga doktor ni GMA upang maliwanagan ang totoong medical condition nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply