20% diskuwento sa punerarya pinamamadali

IPINAMAMADALI ng ilang kongresista ang panukalang batas na magbibigay ng 20 porsiyento diskuwento ng mga punerarya para sa mga naulilang pamilya.

Hinikayat nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares ang Committee on Poverty Alleviation na bilisan ang pagpasa sa House Bill 4002 na nagbibigay ng 20% diskuwento sa funeral services para sa mahihirap na pamilya sa bansa.

Ipinaliwanag ng dalawang mambabatas na mas magastos o mahal ang mamatayan ng isang mahal sa buhay kaysa mamuhay.

“This is because most Filipinos already live lives of utter poverty and still die poor and indebted till the end.  Funeral services generally are expensive, a stark and difficult reality confronting the large majority of impoverished Filipinos,” anang mga mambabatas.

Minsan ay lumalagpas pa ng isang linggo ang burol dahil hindi agad ito mailibing dahil na rin sa kawalan ng sapat na pera para ipalibing ang pumanaw na mahal sa buhay.

Anila, masyadong mabigat ang mahal na funeral service para sa isang miyembro ng pamilya na kumikita lamang ng P362 kada araw (National Capital Region).

Ayon sa 2006 Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng National Statistics Office,  80 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagtitiyaga sa P284.33 ($6.428) kada araw, kung saan ang mahihirap ay nagtitiis sa kitang P90.00 ($2.03) kada araw.

“With an average family size of five, these figures translate to 68.2 million Filipinos subsisting on Php 56.87 ($1.285) a day.  This wage structure and economic data demonstrate that our people can neither sustain their daily needs let alone able to shoulder the funeral expenses of their departed loved ones,” pahayag ni Colmenares.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply