Pagpatay kay Ramgen nabuko sa text message

NADISKUBRE ng awtoridad ang ilang mga text message ng mga umano’y hired killers para patayin si Ramgen Revilla.

Sa ginawang pagsusuri ng Philippine National Police (PNP), ilan sa mga mensaheng ito ang tila tumutumbok sa krimeng kanilang ginawa.

Isang nagngangalang Ruel Puzon alyas “Cacho” ang boluntaryong nagtungo sa presinto para isiwalat ang mga nalalaman nito kaugnay sa pagpatay kay Ramgen.

Sa isang affidavit, idinawit niya ang mga pangalang Michael Jay Altea, Roy Francis Tolisora alyas “Brian,” Glaiza Vista at Norwin.

Ayon kay  Puzon, sina Tolisora, Altea at alyas Bryan ang mga kinontak ni Ramon Joseph Bautista para patayin si Ramgen sa halagang P200,000.

Nagbigay din ng advance payment na P19,000 si Joseph kay Altea.

Kinagabihan ng Oktubre 30, agad inaresto ng mga pulis sina Altea at Tolisora sa Poultry Compound, Tramo, San Dionisio, Parañaque.

Narekober ng awtoridad ang mga cell phone ng suspek at paniwala ng pulisya ay pinagtitibay nito ang salaysay ni Puzon.

Sa ngayon, pinaghahanap pa sina alyas Bryan, Norwin at Glaiza Vista.

Ayon pa sa mga pulis, alas-11:00 ng gabi noong Oktubre 31 namataan pa umano si Bryan kasama si Joseph na nagtungo pa sa burol ni Ramgen sa Angelus Eternal Garden. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply