Pagpuksa sa Climate Change selyado na

OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang National Climate Change Action Plan na tatapos sa problema ng bansa kaugnay sa Climate Change.

Tiniyak ni Climate Change Commissioner Mary Ann Lucille Sering  na target nilang maalis ang bansa bilang pang-6 mula sa 170 bansa sa buong mundo na apektado ng climate change.

Aniya, tuloy-tuloy ang gagawin ng komisyon para makawala ang bansa sa naturang phenomenon.

Puntirya ng komisyon ang 18 buwan para masugpo ang climate change kung saan matatapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III ay makakawala na ang bansa sa problemang ito.

Sinabi pa rin niya na handa ang Pangulong Aquino na pondohan ang nasabing plano. Iyon nga lamang ay wala siyang ideya kung magkano ang igugugol ng Punong Ehekutibo rito.

Kanina ay pinulong ang Climate Change Commission para pagtibayin ang National Climate Change Action Plan.

Pangunahing layon nito na labanan ang epekto ng climate change partikular sa Pilipinas, isa sa pinakaapektado ng phenomenon.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sa kabuuan ay aabot sa 0.31 percent ng GDP ang nawawala sa bansa dahil sa climate change at depende ito kung gaano kalakas ang hagupit sa bawat lugar na dinadaanan ng kalamidad.

Sinabi ng opisyal na bagama’t isa aniya ang Pilipinas sa pinakahanda sa climate change, mahalaga pa rin ang pagpapalawak sa awareness ng publiko, kabilang ang nasa media.

Sa Biyernes, Nobyembre 25 ay pasisinayaan ni Pangulong Aquino ang Climate Change Academy sa Albay na kauna-unahan umano buong mundo.

Ipinagmalaki rin ni Salceda na tinitingala ang Pilipinas sa climate change adaptation patunay dito ang pagsasanay ng iba’t ibang bansa sa Albay tulad ng Cambodia, Nepal, Laos at iba mga LGUs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply