Pagsasaayos ng NAIA Terminal 1 aprub na kay PNoy

BINIGYAN na ng go signal ng Pangulong Benigno “PNpy” Aquino ang pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang pagsang-ayon ni Aquino ay ipinahayag  ni Department of Transportation and Communication (DOTC)  Secretary Mar Roxas matapos busisiin ng ahensya ang kasalukuyang kondisyon ng NAIA Terminal 1.

Muling tiniyak ni Roxas na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na ligtas, maayos, komportable at mapagkakatiwalaang travel facilities ang NAIA.

Kalahating bilyong piso ang gugugulin sa aesthetics at interior design ng pasilidad tulad ng floorings, ceilings, walls at maging partitions.

Aabot naman sa P300 milyon ang inilaan para sa pagtatayo ng rapid exit taxiway para masolusyunan ang runway congestion at maiwasan na ang delay at waiting time ng mga flight. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply