Pagsasanay ng DOJ prosecutors vs cybercrimes matatapos na

MATATAPOS na ngayong taon ang pagsasanay na ibinibigay ng US Department of Justice sa mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa cybercrime.

Base sa pahayag ni Justice Asec. Geronimo Sy, mahalagang maihanda ang mga law enforcer at prosecutors sa upang matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga cybercrime sa bansa.

Kabilang sa unang batch ng na sinanay ay ang 35 prosecutor mula sa Metro Manila at ilang kinatawan ng Ombudsman.

Ang ikalawang batch naman ay gagawin sa Cebu at ang ikatlo ay sa Davao.

Bukod sa pagkakapasa ng anti-cyber crime bill, nais din ng DOJ na magtatag ng office of cybercrime at matiyak na may sapat na kakayahan ang mga awtoridad para sa digital forensic at ang pag-iingat sa electronic evidence.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply