Pagsasapubliko ng mug shots ni GMA OK kay Lacson

WALA umanong masama kung ipakikita sa publiko ang mga larawan o mug shot ni dating Pangulo at ngayon ay Pampang Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na sampahan ng kasong electoral sabotage.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, hindi lalabas na kahiya-hiya ang dating Pangulo kung sakaling ipakita sa publiko ang mugshots nito.

Giit ng senador, dalawang aspeto ang naturang usapin sa isyu sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dating Pangulo at ito ay ang hustisya at karapatang pantao.

“Kung hustisya ang isyu, by all means, the government must go all-put to serve justice to all of us who were oppressed and harmed by her. Sa usaping humanitarian naman, we must treat her like any other fellow Filipino who needs to be treated with dignity and humaneness,” ani Lacson.

Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Escudero, dapat na ipalabas rin ang mug shot ni Ginang Arroyo sa publiko tulad ng ibang mga makakasuhan subalit ito aniya ay discretion pa rin ng korte.

Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, hindi na mahalaga ang pagpapalabas ng larawan ng dating Pangulo sa publiko.

Aniya, ang mahalaga ay hindi ito nakaalis ng bansa at mahaharap nito ang mga kaso na isinampa laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply