Pagsasapubliko sa mug shots ni GMA no way pa rin sa Pasay RTC

HINDI pa rin payag ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 sa pagsasapubliko sa mug shots ni dating Pangulong Gloria Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Ito’y sa kabila ng mga lumabas na mug shot sa isang pahayagan at sa internet.

Gayunman, sinabi ni Attorney Joel Pelicano, Clerk of Court ng Pasay City RTC na kamukha ng pekeng mug shot na lumabas ang orihinal na larawang isinumite sa korte.

Nauna nang kinumpirma ni Southern Police District (SPD) Acting Director Senior Superintendent James Bucayu na totoo ang mga kumakalat na mug shot sa internet kung saan suot pa ni Ginang Arroyo ang brace nito.

Sinabi rin ni Bucayu na pinaiimbestigahan na nila kung paano nakarating sa media ang mga litrato.

Iginiit naman nina Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, PNP Chief Nicanor Bartolome at Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Senior Superintendent Jigs Coronel na peke ang kumakalat na mug shots.

Itinanggi naman ni Pelicano na ang korte ang nagpakalat ng mga litrato at binigyang diin nitong hindi isasapubliko ng korte ang mga mug shot bilang respeto sa right to privacy ng dating pangulo.

Aniya, ang sinumang gustong magkakopya ng orihinal na mug shot ay dapat magpaalam sa kampo ni CGMA.

Samantala, inihayag ng abogado ng mga Arroyo na si Atty. Jose Flaminiano na wala pa silang planong magsampa ng reklamo sa nagpakalat ng mug shot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply