Pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan lang

IPINALIWANAG ngayon Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan lang ang magiging pagtaas sa singil sa kuryente.

Ang paglilinaw ay ipinabatid ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga hinggil sa napipintong power rate hike na babalikatin ng kanilang consumers.

Mula sa dating P5.34 kada kilowatt hour na generation charge ay aabot sa P5.79 ang sisingilin ngayong buwan.

Ayon kay Zaldariaga, tiniyak naman nito na makapagbibigay pa rin sila ng patuloy na supply ng kuryente sa kanilang mga consumers.

Ang naturang dagdag singil ay bunga pa rin ng isang linggong pag-shutdown ng Malampaya Natural Gas Pipeline simula sa Nobyembre 20 hanggang 26 dahil sa pagsasagawa ng ilang maintenance works.

Simula kasi sa Nobyembre 20, magsasara na ang Malampaya Pipeline kaya papasanin ng mga consumer ang magagastos sa mga power generations company sa kanilang paggamit ng mahal na gasolina kapalit ng natural gas.

Ang Meralco ay kumukuha ng kuryente sa tatlong independent power producers kabilang na sa Quezon Power Philippines Ltd. coal-fired facility, 1,000-megawatt Sta. Rita at sa 500-MW San Lorenzo Natural Gas-Fired Power Plants na pag-aari ng Lopez-led First Gas Holdings. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply