Pagtakas ng preso nabuko sa CDO city jail

NABUKO kahapon (Nobyembre 15) ang tangkang pagtakas ng 50 preso na nakapiit sa Cagayan De Oro city Jail.

Mula sa isang kubo, may 100 metro mula sa bilangguan ay nadiskubre ng mga awtoridad ang hinukay na tunnel papasok sa isa sa mga selda.

May 15 talampakan ang lalim ng tunnel na umano’y pinagtulung-tulungang hukayin ng mga preso at natatakpan ng plywood sa loob ng kubo.

Nagulat ang mga awtoridad dahil halos tapos na ang paghuhukay at nasa ilalim na mismo ng selda ang lagusan nang busisiin ng mga tauhan ng BJMP.

Natagpuan din ang mga gamit sa paghuhukay pati na ang ilang computer parts.

Iniimbestigahan naman ngayon ang dalawang caretaker sa kubo na hinihinalang kasabwat ng mga preso sa binabalak na pagpuga.

Giit nila, nagbabantay lang sila doon at ni hindi pa nakapapasok sa bahay kaya hindi nila alam na may tunnel doon.

Ayon sa mga awtoridad kung natuloy man ang pagpuga, may 50 preso sana ang makatatakas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply