Pagtalon ng babae sa condo sinisiyasat na

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa umano’y pagpapakamatay ng  isang babae sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-apat na palapag ng isang condominium unit sa Tordesillas/Gallardo Street, Barangay Bel-Air, Makati City.

Kinilala ang namatay biktima na si Daisy Lindian Castro, 36, residente ng Asian Mansion, Legaspi Village sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas 9:35 kagabi (Nobyembre 10) nang tumalon ang biktima sa unit 410 Prince Tower na pagmamay-ari ng isang Charmaine Galva na sinasabing tomboy at karelasyon umano ng biktima.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente para alamin kung may foul play sa naganap na insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply