Pagtutol sa RH bill puwedeng idaan sa karoling

MAAARING idaan ng mga kabataan sa Christmas caroling ang pagpapahayag ng kanilang saloobin at pagtutol sa Reproductive Health (RH) bill ngayong Disyembre.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), isa itong paraan para maiparating ng mga kabataan sa kanilang mga mambabatas ang pagtutol sa panukala.

Iginiit ng Obispo na malaki ang papel ng mga kabataan para mahikayat ang mga mambabatas na huwag isabatas ang RH bill dahil sila ang pag-asa ng bayan.

“Makakatulong yan especially this Christmas season.  They can approach their congressmen at ipaalam nila ang kanilang pagtutol, best way ang paggamit ng caroling at napapanahon na talagang maitaguyod ang paninindigan,” ayon kay Iniguez, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Binigyang-diin pa nito na dapat itaguyod ng mga layko ang paninindigan sa paglaban sa RH Bill ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Pasko.

Saad pa ng Obispo, ngayong kapaskuhan ay pagdiriwang ng banal at sagradong pamilya ni Hesus sa lupa kaya’t malaking hamon sa lahat na panindigan ang doktrina ng Simbahan.

Giit pa nito, bilang pagpapahalaga sa pagiging tao ni Hesus sa lupa dapat hindi pumayag ang mga mananampalataya na maipasa sa bansa ang RH bill. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply