Pahayag ni GMA, katawa-tawa -M’cañang

PINAGTAWANAN lang ng Malakanyang ang pahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbibigay lang ng malaking kahihiyan sa Pilipinas ang pagbasura ng pamahalaan na makapagpagamot siya sa Dominican Republic.

Ani Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bahagi na lamang ng pag-iingay ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni dating Pangulong Arroyo ang naging pahayag nito.

“It is not true that there was international embarrassment. All this is part of the noise generated by the Arroyo camp to divert attention from the real issue,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi rin ni Valte na imposibleng makapagdulot ng malaking kahihiyan sa bansa ang dedmahin ng gobyerno ang hirit na ito ng kampo ni Mrs. Arroyo.

“She was merely doing her job,” ayon kay Usec. Valte.

Binigyang diin nito na hindi rin makakaapekto ang pinakahuling pangyayari sa “travel ban” ni Mrs. Arroyo dahil noong una pa man ay hindi na kinonsidera ni Secretary de Lima ang hirit ng kampo GMA na makapagpagamot sa Dominican Republic.

Nauna nang ibinasura ng DoJ ang apela ng kampo ng dating lider na bigyan siya ng Allow Departure Order para makapagpagamot sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply