Paihi ‘Pinas-Saudi Arabia connection

HINDI lang pala sa Pilipinas nangyayari ang nakawan ng petroleum products. Sa bansang Saudi Arabia, usong-uso rin ang petro thievery.

At alam n’yo kung sino ang nagpauso ng ganitong gawain sa oil-rich country na ito?  Ito’y

walang iba kundi isang Pinoy.

Ang Pinoy na isang Batangueno ay seaman ng marami nang taon. Katunayan, siya’y kapitan na

ng international shipping.

Pero kung paano naabot ang ranggong ship captain  ay kuwestiyunable pa rin. ‘Di raw ito

nakapag-aral para mahirang na kapitan.

Ala-e, ang kanya palang papeles o credentials ay gawa sa Recto. Pambihira talaga ang galing, peke ang credentials pero kapitan.

Mabalik tayo sa topic na paihi. Nagsimula ang ating bida bilang helper sa barko hanggang tumaas ang ranggo dahil sa abilidad.

At sa kuwento ng ating international informer, bukod sa malaking suweldong natatanggap, kumikita pa ito sa petro pilferage.

Ang modus operandi ay ganito: binabawasan ang ikinakargang krudo sa kanyang barko kakutsaba ang ilang tusong Arabo.

Ang nakawan na ito ng petrolyo sa karagatan ng Saudi ay tinawag ng ating  informant na ‘Paihi Pinas-Saudi Arabia connection’.

Kung tutuusin, ‘di balita sa atin ang ‘paihi’ sa Saudi Arabia. Nakawin na nilang lahat ang langis sa Saudi, wala tayong pakialam.

Kaya lang naging balita sa atin ay dahil sa involvement ng nasabing kababayan natin sa lalawigan ng Batangas na isang Pinoy.

Ang panalangin na lang natin ay ‘di mahuli sa kanyang ginagawang kalokohan. Dahil kapag nagkataon, sikat na naman ang Pinas.

Speaking of paihi, diyan pala sa karagatan ng Subic Bay Metropolitan Area (SBMA) ay matindi rin ang nakawan ng petrolyo.

Ang petro pilferage ay isinasagawa ng mga ship captain, kakutsaba ang ilang contacts na nagsisilbing mga buyer.

Kaya babala natin sa ship companies, aba’y maglagay kayo ng tagamasid sa mga barko kung gusto niyong mabuking ang mga kapitan.

Ang paihi o patulo ay usong-uso rin sa baybayin ng Bataan, ganundin sa Manila bay, ayon sa source natin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply