Palasyo: Buhayin ang interes ng mag-aaral sa pagbabasa

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga magulang, mga lolo’t lola at mga tumatayong guardian na basahan ng kahit na anumang kuwento ang kanilang mga anak at apo upang mabuhay ang interes ng mga ito sa pagbabasa.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na ito ang pinaka-epektibong paraan upang maiiwas ang mga kabataan sa sobrang paglalaro sa computer.

Ang panawaganng ito ng Malakanyang ay bilang pakikiisa na rin sa idineklarang National Reading Month ngayong buwan ng Nobyembre.

“November has been declared National Reading Month. We fully support the Department of Education’s campaign to encourage school children to participate in the month-long reading activities laid out by the DepEd, such as read-a-thons, storytelling sessions, shared readings, and reading camps,” wika ni Valte.

Ayon aniya kay Education Secretary Armin Luistro, mismong ang Department of Education (DepEd) ang mangunguna sa pagkasa sa programang ito na ang pangunahing layunin ay i-promote ang pagbabasa at karunungan sa mga mag-aaral.

Layunin rin ng National Rading Month na i-motivate ang kabataan at matuto sa sinulat at naging buhay ng mga Filipino.

Base sa (Proclamation 1436 series of 2007) itinakda ang buwan ng Nobyembre bilang National Book Development Month at ang Proclamation 109 series of 1936) ay nagtatakda na ang ikaapat na linggo ng buwang ito ay ginugunita ang National Book Week.

Kaugnay nito, kabilang sa mga aktibidades ng DepEd para ngayong buwan ay “Read-a-Thon,” na ang layunin ay ang tuklasin ang mga outstanding readers sa klase; the Dear program, kung saan magpapartisipa ang mga estudyante sa 15 hanggang 20 minutong pagbabasa araw-araw; at ang pagse-share ng pagbabasa sa ibang estudyante na hirap kung magbasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply