Palasyo ‘di hahayaang makaalis si GMA

GAGAWIN ng Malakanyang ang lahat ng paraan upang hindi makalabas ng bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa naging apela ng Department of Justice (DOJ) na i-lift ang watchlist order (WLO) laban sa dating lider.

Sinabi ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na patuloy nilang hinihintay ang opisyal at pormal na kopya ng resolusyon na ipinalabas ng Mataas na Hukuman upang matiyak ang naging kalatas na isinagawa ni court Administrator Midas Marquez kaugnay sa naging kautusan ng SC.

Tinukoy din nito ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa WLO na ipinalabas ng SC na hindi naman agad na naikasa bunsod ng kabiguan ng kampo ni Mrs. Arroyo na ma-comply ang mga kondisyon na itinakda ng Korte Suprema.

Binigyang diin ni Lacierda na kahit na anuman ang mangyari ay hindi nila papayagan na makalabas ng bansa si Mrs. Arroyo dahil nakapagpalabas na ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court sa kasong electoral sabotage laban sa dating lider.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply