Palasyo dumistansiya sa hakbang ng AFP ukol sa ATS

DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa pagkakaroon ng mga area of temporary stay (ATS) sa mga lugar kung saan sinasabing pinagkukutaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, na suportado nila kung anuman ang hakbang ng AFP na pinaniniwalaang makatutulong sa kanilang operasyon at maging sa peace negotiation

Sa ulat, inihayag ng militar na paso na ang ATS ng mga MILF at maaari nang pasukin ang mga nasabing lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga lawless elements.

Nauna nang sinabi ni Western Mindanao Command spokesman Lt. Col. Randolf Cabangbang na madaling sabihing paso na ang ATS pero iba ang epekto nito sa ground.

Ayon kay Cabangbang, nakabubuti ang ATS para maabisuhan ang MILF kaugnay sa gagawing operasyon laban sa mga kriminal.

Sa pamamagitan din umano ng ATS, naiiwasan ang “misencounter” sa pagitan ng mga sundalo at MILF.

Nagagamit din umano ang ATS para sa inventory ng mga miyembro ng MILF at hawak nilang mga armas.

Sa pangkabuuan, bagama’t nagla-lapse ang ATS, mahalaga ito sa peace process lingid sa kaalaman ng mga nasa labas ng ground.

“Madaling sabihin na paso na, pero iba sa ground dahil nakabubuti rin ito in advising them (MILF) sa gagawing operasyon. Although nagla-lapse, mahalaga ito sa peace negotiation,” ani Cabangbang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply