Palasyo ipinauubaya sa OSG, DAR ang Luisita issue

IPINAUUBAYA na lamang ng Malacañang sa Office of the Solicitor General (OSG) at Department of Agrarian Reform (DAR) ang usapin kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita.

Balak ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) na ipaliwanag sa korte kung magkano ang kompensasyon na makukuha sa oras na ipinamahagi na ang libu-libong ektarya.

Tinatayang aabot sa P5 bilyon ang babayaran ng gobyerno sa mga Cojuangco na kamag-anak ng Pangulong Benigno Aquino kapag ipinatupad ang kautusan ng Korte Suprema.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, OSG naman ang kumakatawan sa gobyerno sa korte sa mga ganitong kaso na may interes ang estado.

Ayon kay Valte, sa ngayon ay wala silang nalalamang plano ng OSG o DAR na maghain ng anumang mosyon para maamyendahan o mabaliktad ang Supreme Court (SC) ruling. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply