Palasyo kibit balikat sa pangambang constitutional crisis

NAGKIBIT-BALIKAT lang ang Malakanyang sa pangamba ng ilang mga constitutional experts na magdudulot ng constitutional crisis ang iringan sa pagitan ng Korte Suprema at Department of Justice (DOJ) na may kaugnayan sa isyu ng watchlist order (WLO) laban sa mga Arroyo.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Edwin Lacierda, sinusunod lamang ng gobyerno ang tamang proseso kung saan kabilang dito ang pagkuwestiyon kung bakit minadali ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) gayundin kung bakit hindi binigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na ipaliwanag ang posisyon nito sa WLO laban sa mga Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply