Palasyo naghahanda sa pagbisita ni Hillary Clinton sa bansa

NAGHAHANDA na ang Malakanyang para sa dalawang araw na pagbisita ni US Secretary of the State Hillary Clinton sa Pilipinas sa Nobyembre 15-16.

Si Clinton ay paparito sa bansa upang makipagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III at upang bisitahin ang mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at pagbaha.

Samantala, tutungo naman si Pangulong Aquino sa Indonesia sa Miyerkules (Nob. 16) para sa Asean Summit na idadaaos naman Nobyembre 18 kung saan isa sa tatalakayin ay ang usapin sa maritime security.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply