Palasyo tikom sa pasya ng SC sa H. Luisita

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa naging desisyon ng Korte Suprema na opisyal ng ibahagi ang lupain sa mga magsasaka na benepisaryo ng Hacienda Luisita Inc. (HLI), sugar plantation na pag-aari ng mga Cojuangco.

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nila nakikita ang nilalaman ng 56-page resolution ng Supreme Court kaya’t hindi pa sila makakapagkomento sa bagay na ito.

“It depends on what further actions the other party will take, so we don’t know yet. We also don’t know the meat of the decision. All we know is the ruling —the voting that went on. But as to the ruling itself: are there areas, are there contents there in the decision that would merit a reconsideration from the other side? We don’t know yet that’s why we are deferring comment on that,” ayon kay Sec. Lacierda.

Subalit kapag, final at executory na aniya ang desisyon ng SC ay hahayaan naman nilang mangibabaw ito.

Sa kabilang dako, maliit lang ang stake ni Pangulong Benigno Aquino III sa nasabing hacienda dahil hindi lamang naman aniya siya ang nagmamay-ari ng nasabing lupain.

Samantala, ayaw namang bigyan ng kulay ni Lacierda ang timing ng desisyon na ito ng SC na ipamahagi ang lupain matapos balewalain ng pamahalaan ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng mga mahistrado na pumapayag na sumailalim sa medical treatment ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

“Maraming nagsasabi, maraming naglalagay ng kulay po doon sa timing po. But hindi po kami, wala po kami sa posisyon para mag-speculate po doon. So we will not comment on the timing of the decision,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply