Bahay ni Lucio Tan sinugod ng PALEA

UMABOT sa 100 empleyado ng Philippine Airline Employees Association (PALEA) ang nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng bahay ni Lucio Tan sa likod ng Sto. Domingo Church sa Quezon City kaninang tanghali.

Kasama ng grupo ng PALEA ang iba pang labor group na Partido ng Manggagawa (PM) at Alliance of Progressive Labor na nagsagawa ng kilos protesta sa sa harap ng bahay ni Tan  sa no. 3034 Biak Na Bato St., Bgy. Sto Domingo, dakong 12:00 ng tanghali kanina.

Tinawag ng mga empleyado ng PALEA ang kanilang kilos protesta na Lakbay-Hustisya dahil sa pagkakasibak sa mga empleyado ng PAL nitong nakalipas na buwan.

Bahagi ng kilos protesta ng manggagawa ng PALEA ay ang boodle lunch o ang “Tanghaliang Tuyo” bilang pagpapakita ng kanilang nararanasang kahirapan.

Si Tan ang isa sa itinuturing na may-ari ng Philippine Airline (PAL), top airline company sa bansa.

Tinuligsa rin ng grupo ang pamahalaan dahil sa kabiguan nito na aksyunan ang kahilingan ng mga manggagawa ng PAL.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply