Palpak na entrada ni GMA, sablay

PALPAK ang gimik ng mag-asawang Gloria at Juan Miguel Arroyo na tipong hindi bumenta sa takilya nang tangkain ng mga ito na lumabas ng bansa.

Kuntodo paraparnalya at iba pang mga medical equipment at naka-neck brace pa si Gloria para magmukhang kaawa-awa nang sila ay dumating  sa Ninoy Aquino International Airport matapos na ipalabas ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) laban sa watchlist ng Department of Justice.  Alam ninyo kung nagkataon na hindi naging matalino si Justice Leila de Lima baka nakalabas ng bansa ang mag-asawang Arroyo.

Buti na lang at naharang kaagad sila ng mga personnel ng Immigration at NAIA. Kung tutuusin, ang itsura ni Mrs. Arroyo noong araw na ‘yun ay malaki ang makukuhang simpatiya sa publiko.

Pero dahil sa basa na ang papel ng mga Arroyo ay hindi umubra ang kanilang pakulo.

Kumbaga kumita na po yung pakulo nilang ito. Hindi nakapagtataka na halatang sabik na sabik ang mag-asawang Arroyo na makalabas ng bansa upang maiwasan ng mga ito ang mga kasong kriminal na naisampa na at  isasampa pa lamang ng gobyerno.

Hindi pa nga natutuyo ang tinta sa TRO ng SC ay andun na kaagad ang mag-asawa. Kaya tuloy hindi sila pinayagan na makaalis. Pero kung inihatid kaagad ng  Sheriff ng SC ang orihinal na kopya ng TRO kay De Lima baka nakaalis sila nang tuluyan.

Kung tatanungin nga si SC Associate Justice Ma. Lourdes Sereno, hindi siya sang-ayon na bigyan ng TRO ang mga Arroyo. Bakit? Puro raw inconsistent ang mga pahayag ni GMA kaya niya gustong mangibang bansa.

Ang sakit ni Arroyo, ayon sa mga docktor dito ay hindi “life and death situation” at gagaling sa loob  ng walong buwan.

Isa pa, yung DOJ Circular No. 41 na inilabas mismo ni GMA noong panahon na siya ang pangulo ang siyang ginamit lang ni De Lima. Bakit ngayon lang nila sinabi na labag sa Konstitusyon ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply