Palparan isama kay GMA sa kulungan

NANAWAGAN ang isang militanteng grupo sa Department of Justice (DOJ) na isama sa kulungan ni dating Presidente, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang paborito niyang heneral na si Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.

Ayon kay Karapatan deputy secretary general Jigs Clamor, magandang halimbawa na maparusahan si CGMA at mga kakutsaba nito sa paglabag sa karapatang pantao.

Hindi umano sila dapat makalusot sa mga krimeng kanilang ginawa.

Ani Clamor, nagtangka na si CGMA na tumakas sa bansa kaya dapat na ring agapan ng Department of Justice (DOJ) na hindi makalusot so Palparan.

Ito ang nagpatupad ng nakahihindik na paglaga sa karapatang pantao noong panahon ng panunungkulan ni CGMA.

Matagal nang kinasuhan si Palparan at iba pa ng panggagahasa, serious physical injuries, arbitrary detention, pagmaltrato sa bilanggo, pananakot, grave coercion, at paglabag sa Republic Act 7438 (an act defining certain rights of persons arrested, detained or under custodial investigation).

Ang iba pang kinasuhan ay sina Lt. Col. Rogelio Boac, Lt. Col. Felipe Anotado, 2Lt. Francis Mirabelle Samson at M/Sgt. Rizal Hilario.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply