Palusot at pagsasamantala

ONLI in da Pilipins ang ilang naganap nitong nakaraang Undas.

Kung tutuusin nakatatawa ang mga ito at kung minsan ay nakaiinis.

oOo

Paano magpasok ng alak na bawal na bawal sa loob ng sementeryo?

Napakawais dito ang mga senglot, Suki.

Luma nang istayl ang paglalagay ng alak sa mga plastik o bote para sa tubig, sopdrink at enerji drink.

Ang bagong nadiskubreng istayl, eh, inilalagay ang mga ito sa selopin at nagmumukhang malamig na tubig.

‘Yung iba nga ay naninigas na parang yelo talaga at kasama ng mga tubig na isinisilid sa mga kuler.

Walang kamalay-malay ang mga pulis at guwardiya na alak ang mga ito.

Nagugulat na lang sila kung bakit may nalalasing at haping-hapi na ang mga dalaw sa sementeryo.

oOo

May gumawa naman ng konsiyerto con fasion show sa loob ng sementeryo.

Bawal ang sound system pero paano nakapasok ito na ginamit sa konsiyerto?

Mga kafatid ang gumawa nito at ginawa pang “bold show” ang kanilang konsiyerto con fashion show, ayon sa mga pulis.

Katulad ng ginawa ng mga pulis sa mga nalasing, hinuli rin ang naka-panties lang na mga singer-danser na miyembro ng federasyon.

Ewan natin kung anong kaso ang pupuwedeng isampa laban sa kanila.

oOo

May kakaiba ring naganap na mukhang pagsasamantala sa milyon-milyong biyahero.

Akalain ba nating biglang nagdagdag-bawas ulit sa presyo sa petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Lahat ay tinamaan at tiyak na tsumamba ng malalaking kita ang mga ito dahil hagip nila ang lahat ng sasakyan na gumagala sa lansangan lalo’t walang number coding.

‘Yang P1 bawat litro sa disel ang masakit na hagupit at parang insulto naman ang ilang sentimos lang na bawas-presyo sa gasolina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply