Pamahalaan tumatanggap ng suhol sa oil importation– Golez

HINDI gagalawin ng pamahalaan ang kasalakuyang kalakaran sa oil deregulation dahil nakikinabang ito sa pumapasok na imported petroleum products sa bansa, pahayag ng isang kongresista ngayon.

Ibinulgar ni Bacolod City Rep. Anthony Golez na diretso sa kaban ng pamahalaan ang P10 mula sa bawat litro ng gasoline, bukod pa sa buwis.

Ayon kay Golez, lumalabas na nasusuhulan kaya hindi ito kumikilos upang sawatain ang umano’y pananamantala ng mga kompanya ng langis.

Wala rin umanong regulasyon ang gobyerno sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na siyang nagpapabigat sa kabuhayan ng mga mamamayan, partikular ang sektor ng transportasyon.

Inakusahan din ni Golez ng pagbibigay ng maling impormasyon ang Department of Energy (DOE) dahil ipinapahayag nitong bumaba ang importasyon ng langis gayung tumataas naman ang lokal na pangangailangan sa langis.

Aniya, ito ay nangangahulugang maraming importasyon na iligal na isinasagawa at hindi na dumadaan sa normal na proseso kaya hndi na isinasama sa mga ulat.

Dahil kung mas higit ang “demand” kaysa sa “supply” ay tiyak na magkakaroon ng shortage sa langis.

Isa pa umano sa nagpapahirap sa sektor ng transportasyon ay ang mga istasyon ng gasolina na kulang ang ikinakarga sa mga kostumer.

Isa umano itong uri ng pagnanakaw na napakabigat para sa mga walang kamalay-malay na drayber at operator .

Tinukoy niya ang pagkakahuli sa 88 gasolinahan sa Negros na gumagawa nito.

Dapat umanong magsagawa ang DOE ng mas madalas na pagmo-monitor sa mga pumping machine at madalas na pag-calibrate ng mga gas meter upang maiwasan ang pandaraya ng mga gasolinahan.

Maghahain din umano si Golez ng panukala na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga nagsasamantala na mga istasyon ng gasolinahan.

Ayon pa kay Golez, panahon na para matuldukan ang pandaraya na nakakaapekto sa sektor ng transportasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply