Pamamaslang kay Ramgen, inside job

MAKARAANG makalabas ng pagamutan ang aktres na si Janelle Manahan, nobya ng pinaslang na si Ramgen Revilla, lumilinaw na rin ang kaso na ang itinuturong motibo sa krimen ay family feud at inside job.

Ayon kay Argee Guevarra, isa sa mga abogado ni Manahan, nagbigay ng “very revealing” statement ang kanyang kliyente na makakapagturo sa pagkakakilanlan ng pumatay kay Ramgen at isasama nila ito sa signed affidavit.

“Our initial theory is that is a family feud that escalated. This is an inside job, plain and simple,” pahayag ni Guevarra.

Nabatid na sa ngayon ay dinadahan-dahan pa rin ni Janelle ang pagsasalita at kadalasan pa ring ipinaparating ang nais sabihin sa pamamagitan ng sulat.

Sa ngayon ay nagpapahinga si Janelle sa isang condominium kasabay ng pagtitiyak ng PNP na bibigyan ng mahigpit na seguridad habang naghahanda sa kanyang sworn statement na inaasahang maisusumite sa korte sa Disyembre 2.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply