Pamantasan ng lungsod ng Pasay, may katiwalian din (3)

WALANG kaduda-duda na malaki ang kinikita ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasay mula sa mga estudyante ngunit kataka-takang walang maipakitang financial records ito mula sa mga pinagkakitaan.

Ayon sa isang source natin, sa ngayon ay umaabot na umano sa halagang P10 milyon ang kabuuan ng nawawala sa pondo ng pamantasan.

Sa mga mag-aaral at magulang na aking nakausap, naniniwala sila na ginagawang gatasan o “milking cow” ng iilan ang naturang pamantasan.

Hiling nila na imbestigahan din ng COA ang PLP o dili kaya’y aksyunan agad ng mga opisyal ng lungsod ang kanilang hinaing.

Depende ‘yan kung kikilusan ni Calixto ang problemang ito dahil isa rin sa mga pinagkakatiwalaang “tuta” niya itong si Ostrea.

Abangan n’yo pa ang mga anomalya sa PLP sa susunod!

* * *

May nasagap akong impormasyon na bukod sa infrastructure at beautification projects, ibinalato na rin ni Mayor Calixto sa kontrak-tor na si Bing Tecson ang mga barangay project sa Pasay City.

Ipinarating sa akin ito ng mga kapitan na pawang kinausap ni Boyet del Rosario hinggil sa bagay na ito.

Hindi ba iligal ito?

Ano bang meron itong si Tecson at hindi mahindian ni Calixto? Dahil ba ito kay Gardi Cruz na balita ko’y “hawak sa ilong” ang mayor ng lungsod?

Balita ko’y nais kumandi-dato muli nitong si Cruz sa Malabon City.

Kung ganoon, ano ang ginagawa niya at pilit na nagsusumiksik siya sa tabi ng trono ni Calixto sa Pasay?

Nangangalap ba siya ng pera sa Pasay para pang-kampanya sa susunod na eleksyon?  Ilan lang ‘yan sa mga tanong ng mga taga-Pasay na dapat sagutin nitong si Gardi Cruz!

* * *

Anomang reklamo. komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999433-3437; 0927-8473781 at 09224346131 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply