Pambubugbog ng yaya sa 1-anyos alaga, buking sa CCTV

KULONG ang isang yaya matapos makuhan ng close circuit television na sinasaktan ang inaalagang 1-taong gulang na lalaki sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Nahaharap sa kasong physical abuse in relation to child abuse si Amelina Tejero, 19, stay-in sa Diego Silang St., Deparo, nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Nervie Buo, 30, ina ng biktima, alas-6:30 ng gabi, tiningnan niya ang ikinabit na CCTV sa kanilang kuwarto at laking gulat nang makitang sinasaktan ng suspek ang kanyang anak.

Agad na nagsumbong sa mga pulis si Buo na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply