Pambubusal ni GMA sa mga doktor kinastigo

KINUKUWESTIYON ng dalawang senador ang naging hakbang ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na busalan ang kanyang mga doktor upang hindi makapagsalita sa harap ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC).

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, umaasta pa ring pangulo ng bansa si Gng. Arroyo dahil pati ang kanyang mga doktor ay pinagbabawalan na magsalita sa harap ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

Ani Estrada, parang binubuhay ni dating Pangulong Arroyo ang Executive Order 464, o ang kautusan sa government officials at uniformed men noong kanyang administrasyon na hindi sila maaaring dumalo sa mga imbestigasyon sa Kamara at Senado kung walang pahintulot mula sa Malakanyang.

“Di na siya presidente no! Di na siya puwedeng maglabas ng EO 464!”giit ng senador.

Labis ding ipinagtataka ni Senador Francis “Chiz” Escudero kung bakit tinututulan ni GMA ang pagsalang ng mga doktor sa oral argument sa Supreme Court (SC) ngayong Huwebes, gayung nakapagsalita na ang mga ito sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112 noong Biyernes kung saan nabuking na puwede na palang palabasin ng St. Lukes Medical Center sa Taguig City ang dating Pangulo.

Kanina ay naghain ng anim na pahinang oposisyon si GMA sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na ipa-subpoena ang mga doktor nito, gayundin ang kaukulang dokumento sa nakatakdang oral argument sa petisyon nito kontra sa legalidad ng watch list order na pinairal ng DOJ laban sa dating Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply