Pamilya Revilla duda sa imbestigasyon ng Ramgen slay

NANAWAGAN ngayon si Senador Bong Revilla na magkaroon ng re-investigation kaugnay sa pagkakadawit ng dalawang nakababatang kapatid ni Ramgen Revilla sa pagpatay rito.

Sa statement ng pamilya Revilla, sinabi ni Sen. Bong na duda sila sa imbestigasyon ng awtoridad dahil naniniwala silang hindi magagawang patayin nina Ramon Joseph Bautista at Ramona ang kanilang sariling kapatid.

Bagama’t may pagdududa, pababayaan umano nila ang mga awtoridad sa kanilang imbestigasyon ngunit siguraduhin nilang tama ito dahil mga kapatid niya ang nadadamay.

Una rito, alas-2:00 kahapon (Nobyembre 2) ng ihatid sa kanyang huling hantungan si Ramgen sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite.

Halos kumpleto ang pamilya Revilla na dumalo sa libing maliban sa amang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply