Pamilya Revilla na-shock sa pagkadawit ng kapatid sa pagpatay kay Ramgen

LUBOS na ikinabigla ng pamilya Revilla ang pagkakadawit mismo ng isa pang kapatid ng pinaslang na si Ramgen Revilla sa krimen, ngunit nananatiling umaasa silang mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.

Sa opisyal na pahayag na ipinalabas ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagkakadawit kay Joseph Bautista, kapatid ng biktimang si Ramgen, sinabi ng pamilya Revilla na lubhang nabigla ang kanilang angkan sa imbestigasyonn ng Task Force Ramgen.

“Our family is as shocked as everyone. Nabigla din po kami sa kinalabasan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng aming kapatid na si Ramgen, at ngayon naman ang pagkakasangkot ng tunay na kapatid ni Ramgen at half-brother din namin na si Joseph,” ayon sa pahayag ni Revilla.

“Hindi pa man naililibing ang isa, isinasangkot naman ang isa pa. This is a tragic death made even more tragic by the fact that a family member is being implicated,” dagdag pa ng senador.

Sinabi pa ni Revilla na hindi makapaniwala ang kanilang pamilya na may kinalaman mismo ang kapatid ng biktima sa pagkakapaslang dito kaya’t hiniling ng pamilya na masusing imbestigahan ang unang nadakip na suspek at suriin ang kredibilidead nito.

“Hindi kami makapaniwala na may kinalaman nga siya, hanggat hindi napapatunayan, beyond reasonable doubt, na ginawa nga niya ang ibinibintang sa kanya. Ang hinihiling lang namin ay bigyan pansin ang kredibilidad ng mga suspect na isinasangkot ang aming kapatid sa ama na si Joseph. The statements should be validated, not taken on face value, alone,” ayon kay Revilla.

“I call on the Task Force Ramgen to make sure that the result of the investigation must not lead to irreparable damage to the innocent, especially to their family members,” dagdag pa ni Revilla.

Ngunit, sinabi ni Revila na kahit sino pa ang tunay na may kagagawan ng krimen at kahit na sino pa siya ay dapat managot.

“Maraming salamat po sa lahat na nakiramay at patuloy na nakikiramay at nagdarasal para sa aming kapatid at sa aming pamilya. JUSTICE FOR RAMGEN. So help us, God!,” patapos ni Revilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply