Panalo ni Pacquiao kinatigan ng OFWs

MISTULANG nakahanap ng kakampi si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa ibayong dagat matapos na kampihan ng grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang pagkapanalo kahapon (Nobyembre 13) laban sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Ayon sa Migrante Middle East, hindi man maituturing na pinakamagandang laban ni Pacquiao ang naganap kahapon ay dapat na magpasalamat pa rin na napanatili nito ang korona sa welteweight division.

Bago ito, umani ng batikos ang pagkapanalo ng Pamabansang Kamao sa mga Mehikano at maging ilang Filipino dahil sa paniniwalang si Marquez ang nanalo sa laban.

Ngunit ayon sa mga hurado ng nasabing laban at base sa mga dayuhang boxing analyst, mas maraming pinakawalng suntok si Pacquiao kaysa kay Marquez at lalong mas maraming tinamong suntok si Marquez.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply