Pananaw at tagumpay (2)

ENERO ng taong 1999 nang makarating si Joel Almeda sa Hong Kong at magtrabaho sa Banco de Oro na noong mga panahong iyon ay kilala pa bilang Equitable bank.

Sa paglipas ng mga taon ay halos hindi niya namalayan na halos 11 na taon na siyang naninirahan sa Hong Kong at patuloy na tumutulong at nagsisilbing isang inspirasyon ng ating mga kababayan doon bilang isang vice-president ng BDO.

“Hina-handle ko yung busi-ness development ng negosyo namin sa buong Asia Pacific,” dagdag na salaysay niya.

Sa kasalukuyan ay chairman rin si Joel ng Philippine Association of Hong Kong na tumutulong sa iba’t ibang beneficiaries gaya ng Gawad Kalinga.

“Yung purpose namin na ang talagang pinaka-objective ng aming association ay para makatulong sa ating mga kababayan sa Pilipinas,” ani Joel.

Tumutulong din ang nasabing organisasyon sa mga kababayan natin na nagkakaroon ng problema sa Hong Kong.

“Ang Philippine Association is mostly nakikipagtulungan sa mga konsulado at ang mga kababayan natin kapag may problema at may mga domestic problems dito sa Hong Kong dumudulog sila sa ating konsulado para humingi ng tulong. Meron tayong mga ATN o Assistance to Nationals na madaling rumesponde sa mga kababayan nating may problema rito sa Hong Kong,” dagdag pa niya.

Masasabing malayo na rin ang narating ni Joel sa kanyang career at ayon sa kanya kung ang bawat pagsubok ay titingnan natin bilang isang pintuan ng oportunidad na magbubukas lamang kung handa nating pasukin at suungin ang bawat problema na kaakibat ng pag-abot ng ating mga pangarap, ay hindi imposible na balang araw ay anihin natin ang prutas ng ating mga pagsisikap.

Sa kuwento ng buhay ni Joel ay nakita natin, kung gaano kahalaga ang ating pananaw at pagtingin sa buhay, sapagkat ito ang magtatalaga kung paano tayo mabubuhay habang inaabot ang pinapangarap nating tagumpay.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. pasaporte

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply