Pananaw at tagumpay

POSITIBONG pananaw sa buhay ang nagdala kay Joel Almeda sa kanyang kinalalagyan bilang, kasalukuyang vice president ng isang bangko sa Hong Kong.

Nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Joel sa larangan ng pagbabangko taong 1987.

Noong una ay isang simpleng empleyado lamang siya, subalit isang oportunidad ang nagbukas sa kanya ng pinto upang marating niya ang kanyang kasalukuyang estado.

Enero 1994 nang makarating siya sa Barcelona, Spain nang ipadala siya ng Far East Bank, ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Hindi naglaon ay narating ni Joel ang Milan sa Italia at sumunod ay ang Tokyo sa bansang Hapon.

Nanatili siya roon ng mahigit isa’t kalahating taon bilang isang marketing officer.

Hindi nagtagal ay muling inilipat ng assignment si Joel sa US, nang mag-merge ang bangkong pinagtatrabahuhan niya, at bagamat nakaranas ng mga pagsubok at kahirapan ay nakita niya ito bilang isang pinto na punong-puno ng mga oportunidad.

Naging napakapositibo ng kanyang pananaw na ang lahat ng iyon ay bilang pagha-handa sa kanya sa mga darating na panahon.

Isang pagsubok para kay Joel ang iba’t ibang kultura na kanyang nasasaksihan at iba ibang tao ang kanyang nakasasalamuha sa bawat bansang kanyang pinupuntahan subalit ito ay ginamit niya upang maging matagumpay, ang mga ito ay tiningnan niya sa paraan na makatutulong upang siya ay umangat at mapansin ang kanyang mga kakayahan at kaalaman.

“Mahirap yung paiba-iba ng lugar pero ang challenge dun is magkaroon ka ng opportunity na ma-prove na kaya mo ma-handle yung mga opisina na pinahahawak sayo. Mahirap but may challenge, yung masarap dun, yung opportunity para eventually ma-notice ng management na kaya mo na pala na i-handle yung mga negosyo noon pa,” dagdag na kwento pa niya.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply