Pangangalaga sa ating tenga

MAGAGANDANG himig, musika, malalambing na boses ng ating mga mahal sa buhay, malulutong na halakhakan ng mga kaibigan, lahat ng ito ay ating naririnig at naa-appreciate sa tulong ng ating mga tenga kaya dapat lamang nating alagaan ito gaya ng pag-aalaga natin sa iba’t ibang parte ng ating katawan.

Ang tenga ay itinuturing na “fragile sensory mechanism” na nagpo-provide sa ting utak ng vital informatin ukol sa outside environment.

Ito ay itinuturing na isa sa pinaka-importanteng parte ng ating katawan. Ating inuulit, na kailangan itong maprotektahan sa anumang panganib gaya ng dumi.

Sa totoo lang hindi naman mahirap ang pangangalaga sa ating mga tenga, hindi tulad ng ibang parte ng ating katawan.

Paglilinis ng tenga:

Ang paglilinis ng tenga ay konektado sa dalawang bagay.

Ito ay ang paglilinis sa outer ear para sa cosmetic reason, at protektahan ang pandinig sa pamamagitan ng paglilinis ng loob ng tenga.

Gamit ang sabon o iba pang facial cleaning products ay maaaring linisin ang outer portion ng tenga.

Marami ang naniniwala na kailangang linisin ang tenga araw-araw, ngunit sa katunayan, hindi ito maganda para sa ating mga tenga.

Ang internal ear canal ay nababalot ng manipis at malambot na balata. So, ang paglilinis nito araw-araw ay maaaring makasira,  makapagpanipis at makapagpapalambot sa balat na ito.

Maaaring mabuo ang wax at balat sa may ear canal. Ang balat sa ear canal at lumalaki katulad na kuko sa daliri. Kung hindi naman lilinisin ang canal, maaaring ma-block ang eardrum na tiyak na magdudulot na mahinang pandinig. Worse kung ito ay mauwi sa permanenteng damage. So, hindi man araw-araw ay kailangan pa ring linisin ang tenga ng madalas.

Isa pang tip sa paglilinis ng tenga. Kailangan na huwag gumamit ng matigas na bagay gaya ng cotton swab o cotton bar. Ang ibang tao ay gumagamit ng ear wax removal drops para malinis ang kanilang tenga. Ngunit, ang paggamit ng cotton tipped swabs at ear wax removal drops ay maaaring maka-damage sa tenga.

Ang inyong doktor o hearing specialist ang dapat na magtanggal ng excess wax sa inyong tenga.

Huwag ring subukang alisin ang ear wax gamit ang cotton swabs, hair pins at iba pang bagay. Maaaring mapinsala ninyo ang iyong ear canal at eardrum.

Kung nais na linisin ang inyong ear canal sa bahay gamit ang cotton swab ay magpatulong sa isang kasamahan sa bahay at gumamit ng salamin. Mas mabuti kasi ito, dahil nakikita nila ng maayos ang iyong tenga.

Para naman sa mga may butas ang tenga (pierced ears) ay linisin ang hikaw at ang inyong earlobe gamit ang rubbing alcohol.

General na pangangalaga sa tenga:

Ang mga tenga ay kailangang masuri at least isang beses sa isang taon ng inyong doktor, audiologist o ng isang hearing specialist.

At kung makaramdam ng pangangati o pananamit sa inyong tenga ay huwag itong sundutin. Mainam na magpatingin agad sa inyong physician o ear specialist. Sila ang magdedetermina ng appropriate treatment para sa nararanasang kati at sakit.

Sa tuwing gagamitin ninyo sa bahay ang inyong stereo at home theater systems upang ma-enjoy ang inyong paboritong kanta, iwasan ang excessive (masyadong malakas na) volume.

Sa tuwing sasakay sa motorsiklo ay gumamit ng helmet upang maprotekhan ang inyong tenga sa anumang injury.

Kapaag sobrang tirik at init ng sinag ng araw ay makabubuting pahiran ng sunscreen ang inyong tenga upang hindi ito matusta.

Alam ba ninyo na ang pagsu-swimming ay mapanganib rin na dulot sa ating mga tenga. Ito ay maaaring maging sanhi ng pamamaga at pananakit ng tenga.

Palaging patuyuin ang mga tenga pagkatapos mag-swimming at i-shake palabas ng tenga ang excess water, lalo na kung pakiramdam ninyo ay na-stuck ang tubig sa loob ng tenga.

Pagkatapos mag-swimming at pakiramdam ninyo ay may problema sa inyong tenga ay komunsulta sa doktor o espesyalista upang mabigyan ng tamang solusyon.

Napaka-moderno ng panahon natin ngayon kung saan uso ang mp3 player, cell phone at iba pang gadget na ginagamit sa pakikinig ng music. Maraming tao ang halos araw-araw ay nakasalpak ang headset o earphone sa tenga upang makinig ng kanilang paboritong music sa mga gadget na ito. Pero hindi nila alam na ito ay masama para ating mag tenga. Ipinapayo na hangga’t maaari ay iwasan ag gawain na ito ng madalas. I-limit lamang ang pakikinig gamit ang headset at earphone.

Karamdaman ng tenga at ang treatment para dito:

Pinaka-common na ear disease ay ang ear infection, especially sa mga bata. Bawasan ang risk ng ear infections sa pamamagitan ng paggamot agad sa upper respiratory infections nila.

Marami ring medications ang nakaaapekto sa pandinig. Iwasan ang mga medications na ito na harmful para sa ating tenga.

Anumang problema sa inyong tenga at pandinig ay tanging ang inyong doktor o ear specialist ang magsasabi kung ano ang tamang dapat na gawin.

Anuman ang kanilang ipayo sa inyong problema sa tenga ay sundin ito.

Isa pa, importante ang proper ear care upang ma-maintain ang pangkalahatang kalinisan ng inyong tenga at maprotektahan ito sa anumang seryosong problema gaya ng infections at hearing loss.

Kung titignan mo, hindi naman mahirap pangalagaan ang tenga, kailangan lang oras at effort na ito ay linisin ng regular.

Kayo rin, malungkot ang mundong walang tunog at tahimik!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply