Pangasinan napiling mag-host ng 2012 Palarong Pambansa

PANGASINAN ang napiling host ng 2012 Palarong Pambansa.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang pagkahirang ng Pangasinan bilang susunod na host ay dumaan sa masusing proseso kasama ang isang technical body.

Ang pagpili ay ibinase rin sa available na sports facility ng lugar at kakayahang mag-accommodate ng mga dadalo sa palaro na aabot sa 10,000 katao na kinabibilangan ng mga atleta, coach, sports official, estudyante at mga bisita.

At pumasa sa mga nabanggit na kwalipikasyon ang lalawigan ng Pangasinan kung saan naungusan nito Marikina at Laguna, na kapwa nagpahayag din ng kagustuhang maging host ng Palarong Pambansa.

Nakatakdang lumagda ang mga opisyal ng DepEd at lalawigan ng Pangasinan sa katapusan ng Nobyembre o unang bahagi ng Disyembre, oras na maisumite na ng host province ang mga kinakailangang dokumento.

Ang Palarong Pambansa ay isang taunang sports activity na nilalahukan ng iba’t ibang paarlan sa bansa bilang pagkilala sa Physical Education na isa sa mahahalagang asignatura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply