Pangulong Aquino asal haciendero – Topacio

TINAWAG ni Attorney Ferdinand Topacio, abogado ni dating first gentleman Mike Arroyo na asal haciendero si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Topacio na tulad ng sa Hacienda Luisita, authoritarian ang sistemang ipinatutupad ng Pangulo sa pamahalaan.

Ginawa ni Topacio ang pahayag kasunod ng pahayag ni PNoy na dapat nang makasuhan si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo bago sumapit ang Disyembre.

Nakababahala aniya ang takbo ng sistema ng kasalukuyang administrasyon na hindi iginagalang maging ang desisyon ng Supreme Court (SC).

Inihalimbawa ni Topacio ang pagbalewala ng Malakanyang sa kautusan ng SC na pansamantalang pigilan ang bisa ng watchlist order laban sa dating first couple kasama na rin aniya ang railroading sa mga reklamo laban sa dating pangulo na halatang minadali sa hangaring maipakulong ito sa kasong may kaugnayan sa electoral sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply